Filed under: Uncategorized
memo: huwag niy namang masyadong laitin ito. nahirapan din akong gawin ito ha. ngayon lang naman ako nakatapos nang kwento eh. pagpasensyahan niyo na!
NAKATATLONG buwan na nang unang magkakilala si Jed at si Edward. Two and a half months narin silang official. Naipakilala na niya ito sa pamilya niya at tuwang-tuwa naman ang mga ito sa pagdating nang lalaki sa buhay niya. Kahit ang mga nakababata niyang kapatid ay nagpapahanap sa kanya nang katulad nito. Mayroon daw ba nito sa Divisoria? eh sa Tutuban? Baka sa Quiapo. Pinagbabatukan niya ang mga ito.
Sa ngayon ay supervisor na siya sa kumpanyang pinag-tatrabahuan niya. Si Edward naman ay nakapag-patayo nang isa pang business at kasalukuyan itong dinudumog nang mga kliyente. They couldn’t be anymore happier.
MAAGA ULIT na nagising si Jed. It was a beautiful Saturday morning. Lumingon siya at nakita ang lalaking katabi niya na natutulog pa. Napangiti siya. It was their third monthsary today. Natatandaan kaya nito? Imbes na mag-tanong ay nanatili nalang siyang nakatitig dito.
“Nakaka-ilang na iyan ha? Alam mo bang mahirap magpanggap na tulog habang malagkit na tinititigan nang taong wala ka namang ibang gusto talagang gawin kundi paligayahin araw at gabi?”
Napasinghap siya. “Ano. Kuwan, sorry na. Gising ka na pala. Bakit ngayon ka lang nagparamdam?”
“Baka kako may gusto kang gawin sa akin-aray!”
Hinampas niya ito. “Porke monthsary natin? Aba,aba,aba.” Bahagya siyang bumangon at humalukipkip. “As if.”
“As if.” Panggagaya nito sakanya. Hahampasin niya sana ito nang unan nang bigla siyang daganan nito. Magpoprotesta sana siya nang bigla siyang halikan nito. It was such a steamy kiss it felt like the temperature of the room rose a couple of degress higher. Ah, well. She just let him do his thing as she embraced him tightly. Pinigilan lang niya ito nang magsimulang maglakbay ang mga kamay nito sa mga di kanais-nais na lugar.
Nag-angat ito nang tingin sa kanya. “No?”
Tumango siya. Tumawa lang ito at tumabi sa kanya. My, wasn’t it nice to have a boyfriend like him? He doesn’t rush her. He understands and patiently waits until she’s ready.
Sana lahat nang lalaki sa mundo ay katulad niya.
“You’re still scared?”
“I am not scared.” wika niya rito. “I just want your ring on my finger first before any of that happens.”
“I love you.” Nakangiting wika nito.
Nagtatakang tiningnan niya ito.
“Anong konek nu’n?”
“Wala.” Niyakap lang siya uli nito.
A comfortable silence enveloped them. they were both aware each other was awake. But there were many times that they liked it that way. It was one of the ways they connected. Even it was intimate in itself without being laciviously suggestive.
“Ward, bakit mo ako dinadala sa kama mo?” Tanong niya rito.
“Para ma-i-kama ka.”Tawa-tawang wika nito.
“Yak.” Kinurot niya ang braso nito. Lalo lang itong tumawa.
“Okay, dinadala kita dito kasi sa lahat nang babaeng na-i-kama ko, ikaw lang ang nandyan hanggang magising ako.”
“Hindi sila nag-se-stay?”
“Hindi. Wala naman talaga silang pakialam sa akin. They don’t really care about me or my feelings.Katawan ko lang ang habol nila.” Anito saka ibinaon ang mukha sa kanyang makapal na buhok niya.
“Para ka namang hipon niyan.” Natatawang sabi niya. “Katawan lang ang habol sa iyo.”
“Oy.” Piningot siya nito. Tumawa siya.
“Your hair smells so good. No, scratch that. You smell so good,” He said in a muffled voice.
“Pinapalaki mo na naman ang ulo ko ha. Mabigat na itong dalhin kapag ganoon.”
Nag-tawanan lang sila at mayamaya pa’y tila may naalala ang binata. May inabot itong kung ano mula sa bedside table at ipinakita sa kanya. It was a box covered in black silk. Pagbukas niya rito ay biglang tumugtog ang piano version nang portrait of my love. May maliit na ballerina pang paikot-ikot na sumasayaw doon. It was a music box and a jewelry box combined into one.
“Happy monthsary.” Sabi nito sabay halik sa kanya.
“It’s beautiful..”Tanging sambit niya.
“Yeah, a beautiful gift for a beautiful lady like you. So that you will always think of me.”
Napangiti siya. Ah, Edward. I don’t have a gift for you..Sana okay lang iyon.
“Ayos lang kahit wala kang regalo sa akin.” Wika nito. “Having you here with me is one of the best gifts I have ever received in this lifetime.”
She hugged him tightly. “You yourself are the best gift I have ever received. Ever.”
“Gaya-gaya.”
“Hindi na ako magiging buwaya kahit mang-gaya pa ako.” Sagot niya dito.
“Bakit naman?”
“Siyempre, malaki na ako, eh!” Piningot siya uli nito. Tumawa lang uli siya. Pagkatapos ay kinuha nito uli sa kanya ang hawak na music box. Sinubukan niya iyong agawin mula rito pero itinaas nito ang kahon. Nang sumuko siya ay inilapag nito ang box sa pagitan nila. Binuksan nito ang kahon at pumailanlang muli ang ‘Portrait of My Love’. Nagtatakang tiningnan niya ito. Ngumiti lang ito sakanya. Inangat nito ang kinatatayuan nang ballerina at mula roon ay inilabas ang isang kwintas na white-gold. Napasinghap siya. Mahal iyon. Dalawa pa ang pendant niyon. Isang diyamanteng hugis puso at isa pang mas maliit na diyamanteng hugis puso din ngunit ito naman ay nakalagay sa isang singsing.
“Ang ganda..” Tinangka niyang abutin ito ngunit inilayo lang ito sa kanya nang lalaki.
“A-akin iyan hindi ba?” Tanong niya rito.
“Oo.” Sagot naman nito.
“Pwede ko bang suotin ngayon?”
“Ayoko nga.” Tanggi nito.
Hindi niya maintindihan ang pinagsasabi nito. “Anong-”
“Marry me first.” Anito.
Hindi siya makapaniwala sa narinig niya. Before she knew it, tears slowly fell from her eyes. “This..this is serious, right?”
“Yes.” Wika nitong pinupunasan ang mga luha niya. “Huwag ka namang umiyak diyan. It makes me feel like a terrible person to make you cry. I hate seeing you like that.”
“Silly.” Sambit niya. “I’m just very happy that this is finally happening.”
Nakahinga ito nang maluwag. “I thought you didn’t like the idea.”
“Of course i do!” Inangat niya ito nang tingin. Kanina pa kasi siyang nakatitig sa kuwintas. “What gave you the idea that I didn’t?”
“Well, you haven’t agreed to my proposition.”
“Hmm. How about this for an answer,then?” Tinanggal nito ang singsing mula sa kwintas at isinuot iyon sa kanyang kaliwang palasingsingan. Her heart skipped a beat when his eyes sparkled with happiness as he pulled her closer and kissed her with all the love he could possibly give.
“Happy monthsary, Edward. I love you.”
Iyon lang nasabi niya simply because there were no more words to say. All that they knew was they were in love and happy in eachothers arms. Iyon lang naman talaga ang mahalaga. They could not ask for more.
WAKAS
3 Comments so far
Leave a comment
hay… ang ganda niya, Christi! hindi naman ako magiging buwaya kahit mangaya pa ako. ang cute! anyway may naisip na akong title ano kay kung “Part of Me” o di kaya “My other half” ay parang pangit! basta humanap ka na lang ng idea diyan sa mga title! search mo ito Yuu SHirota! that’s the real Cloud. at napanood ko siya sa hana kimi japan!
Comment by rigelthestar July 18, 2009 @ 3:36 ambwhahaha christi ang ganda nya grabe sna gumawa k p ng iba pang story bwhahaha miss n kita kc eh lumipat k p syang
Comment by Karlatejon16 November 1, 2009 @ 9:21 amwow! thanks SO MUCH! love lots, miss you too. : )
Comment by restlesshands December 15, 2009 @ 9:33 am