Restlesshands’s Blog


something all readers might kill me for.
April 3, 2010, 1:36 pm
Filed under: Uncategorized

“You still don’t get it, do you?” He asked her, staring at him like some sort of impossible math problem. She shook her head.

“I know all of you must really find me weird and all, pero gano’n talaga,eh.” He laughed heartily. Nagpameywang ang dalaga, nakikinig lamang sa kanya.

“You know Liezel, you’re the sweet, smart, docile secretary and I’m the boss who’s supposed to fall in love with you after finding out how much you love me, too, and how you’ve loved me all these years.” Naiiling na wika ni Martin habang nakatingin sa labas ng bintana. Humarap muli ito sa dalaga at ngumiti. “But it’s not like that. If this whole thing were a typical story, this would mean me falling in love with the villain.”

“I love Ayra. I love her for everything that she is, and everything that she will never be.” Tumitig siya sa mukhang nakangiti sakanya sa picture frame sa mesa niya. “She will never learn how to cook, every morning when I wake up, I will wake up to the sound of her screaming at the top of her lungs, and her face covered in pancake mix. I will come down stairs then, laughing, not sure if she’ll be mad at me. But I will wipe the pancake mix of her pretty face and sit her on the table as I cook bacon and eggs. she will have a hard time with our first baby, crying because she doesn’t know how to change his diapers. there I am again, teaching her what to do, laughing as she grimaces at the sight of poop.” tumawa siya pagkasabi niyon. “She will try to massage me and end up turning me into clay-doh because she presses too hard but instead of getting mad I will kiss her and make love to her all night.” Napabuntong-hininga siya. “Look, she will never be the perfect wife. She will spend all my money, come home early morning, never cook for me, and will turn all my hair white before my time. But that is why I love her and she won’t believe in me and I know you find it crazy but that is the truth so you two will both have to deal with it.”

“Yeah, I love you too.” wika ni Ayra na nakasandal sa hamba ng pituan at sumisimsim ng kape.

THIS IS AN EXCERPT FROM A STORY I’LL BE MAKING AFTER I FINISH THE STORY I WILL BE WORKING ON THIS YEAR. SORRY GUYS! :P



Big Apology. : (
December 24, 2009, 3:53 am
Filed under: Uncategorized

guys, i’m so sorry that i haven’t been able to keep my promise of a nee story. Nabura silang lahat. I’m so sorry. I’m living in what’s called ‘every writers nightmare’. good luck to every one. merry Christmas.



new story alert!
October 29, 2009, 7:07 am
Filed under: Uncategorized

in two weeks time, (who knows?) i might be able to post a new story, romance is the genre of course, and all other details will be a surprise. trip kong mang-trip nang tao kaya sorry naman ha? salamat nga pal sa lahat ng sumuporta sa blog ko at sa unang untitled na kwento dito. maraming salamat! thank you! arigato! : )



when life becomes seemingly unfair…
July 27, 2009, 9:33 am
Filed under: Uncategorized

this a poem complaining and making fun of my misery. weirdly enough, I was the one who wrote it, too.

the problem of my long tangled hair, away, has been cut,

to myself, I look a little prettier, to everyone else I looked like a slut

then there was once a beautiful stranger,

longish hair, chinky eyes, mysterious smile…

oh yes, for him I was a sucker,

too bad he couldn’t stay any longer.

story of my life, so it seemed

the right was always wrong and the wrong was always right,

and in the midst of all this chaos, I can still bear to sleep at night.

nothing but a lonely writer, walking in the rain,

the stories that she made, were uneraseable memories of pain.

the love she thought she had, always waved  goodbye,

she never gets over her former love, ni matter how hard she’ll try.

so sad no? to be continued next time!



twelve in the midnight thoughts..
June 3, 2009, 5:03 am
Filed under: Uncategorized

As much as one wants to appreciate the beauty of  a thing, all luster fades when it is presented at a wrong time and is forced upon

-theory of  why things become ugly.(i invented this!)

like this, for example. one tuesday night when my body has had it, my father comes home with the dvd of the concert we went to a year and a hgalf ago.. Cool, huh. Wait, there’s more. he came home at twelve. in the evening. no, morning. no evening. no, don’t bother. and he wants me to become a song lead one day, which is kind of like the frontman of the band, so in effect, i had to watch it with them and manage not to fall asleep. Watching it, for one, as i said a while ago is fine. But, given the time it was forced upon me, just made it lose all the coolness factor in it. This, i know, sound like a rant in itself, but it is nothing but an opinion written by restless hands due to a mouth clamped shut. Not to mention a heavy heart due to the circumstances. plus another ton of weight dropped on it by failed compromise. My hands are still at it, but the concert proper is now on playback. BEEP



chapter ten (finale!)
May 28, 2009, 5:49 am
Filed under: Uncategorized

memo: huwag niy namang masyadong laitin ito. nahirapan din akong gawin ito ha. ngayon lang naman ako nakatapos nang kwento eh. pagpasensyahan niyo na!

NAKATATLONG buwan na nang unang magkakilala si Jed at si Edward. Two and a half months narin silang official. Naipakilala na niya ito sa pamilya niya at tuwang-tuwa naman ang mga ito sa pagdating nang lalaki sa buhay niya. Kahit ang mga nakababata niyang kapatid ay nagpapahanap sa kanya nang katulad nito. Mayroon daw ba nito sa Divisoria? eh sa Tutuban? Baka sa Quiapo. Pinagbabatukan niya ang mga ito.

Sa ngayon ay supervisor na siya sa kumpanyang pinag-tatrabahuan niya. Si Edward naman ay nakapag-patayo nang isa pang business at kasalukuyan itong dinudumog nang mga kliyente. They couldn’t be anymore happier.

MAAGA ULIT na nagising si Jed. It was a beautiful Saturday morning. Lumingon siya at nakita ang lalaking katabi niya na natutulog pa. Napangiti siya. It was their third monthsary today. Natatandaan kaya nito? Imbes na mag-tanong ay nanatili nalang siyang nakatitig dito.

“Nakaka-ilang na iyan ha? Alam mo bang mahirap magpanggap na tulog habang malagkit na tinititigan nang taong wala ka namang ibang gusto talagang gawin kundi paligayahin araw at gabi?”

Napasinghap siya. “Ano. Kuwan, sorry na. Gising ka na pala. Bakit ngayon ka lang nagparamdam?”

“Baka kako may gusto kang gawin sa akin-aray!”

Hinampas niya ito. “Porke monthsary natin? Aba,aba,aba.” Bahagya siyang bumangon at humalukipkip. “As if.”

“As if.” Panggagaya nito sakanya. Hahampasin niya sana ito nang unan nang bigla siyang daganan nito. Magpoprotesta sana siya nang bigla siyang halikan nito. It was such a steamy kiss it felt like the temperature of the room rose a couple of degress higher. Ah, well. She just let him do his thing as she embraced him tightly. Pinigilan lang niya ito nang magsimulang maglakbay ang mga kamay nito sa mga di kanais-nais na lugar.

Nag-angat ito nang tingin sa kanya. “No?”

Tumango siya. Tumawa lang ito at tumabi sa kanya. My, wasn’t it nice to have a boyfriend like him? He doesn’t rush her. He understands and patiently waits until she’s ready.

Sana lahat nang lalaki sa mundo ay katulad niya.

“You’re still scared?”

“I am not scared.” wika niya rito. “I just want your ring on my finger first before any of that happens.”

“I love you.” Nakangiting wika nito.

Nagtatakang tiningnan niya ito.

“Anong konek nu’n?”

“Wala.” Niyakap lang siya uli nito.

A comfortable silence enveloped them. they were both aware each other was awake. But there were many times that they liked it that way. It was one of the ways they connected. Even it was intimate in itself without being laciviously suggestive.

“Ward, bakit mo ako dinadala sa kama mo?” Tanong niya rito.

“Para ma-i-kama ka.”Tawa-tawang wika nito.

“Yak.” Kinurot niya ang braso nito. Lalo lang itong tumawa.

“Okay, dinadala kita dito kasi sa lahat nang babaeng na-i-kama ko, ikaw lang ang nandyan hanggang magising ako.”

“Hindi sila nag-se-stay?”

“Hindi. Wala naman talaga silang pakialam sa akin. They don’t really care about me or my feelings.Katawan ko lang ang habol nila.” Anito saka ibinaon ang mukha sa kanyang makapal na buhok niya.

“Para ka namang hipon niyan.” Natatawang sabi niya. “Katawan lang ang habol sa iyo.”

“Oy.” Piningot siya nito. Tumawa siya.

“Your hair smells so good. No, scratch that. You smell so good,” He said in a muffled voice.

“Pinapalaki mo na naman ang ulo ko ha. Mabigat na itong dalhin kapag ganoon.”

Nag-tawanan lang sila at mayamaya pa’y tila may naalala ang binata. May inabot itong kung ano mula sa bedside table at ipinakita sa kanya. It was a box covered in black silk. Pagbukas niya rito ay biglang tumugtog ang piano version nang portrait of my love. May maliit na ballerina pang paikot-ikot na sumasayaw doon. It was a music box and a jewelry box combined into one.

“Happy monthsary.” Sabi nito sabay halik sa kanya.

“It’s beautiful..”Tanging sambit niya.

“Yeah, a beautiful gift for a beautiful lady like you. So that you will always think of me.”

Napangiti siya. Ah, Edward. I don’t have a gift for you..Sana okay lang iyon.

Ayos lang kahit wala kang regalo sa akin.” Wika nito. “Having you here with me is one of the best gifts I have ever received in this lifetime.”

She hugged him tightly. “You yourself are the best gift I have ever received. Ever.”

“Gaya-gaya.”

“Hindi na ako magiging buwaya kahit mang-gaya pa ako.” Sagot niya dito.

“Bakit naman?”

“Siyempre, malaki na ako, eh!” Piningot siya uli nito. Tumawa lang uli siya. Pagkatapos ay kinuha nito uli sa kanya ang hawak na music box. Sinubukan niya iyong agawin mula rito pero itinaas nito ang kahon. Nang sumuko siya ay inilapag nito ang box sa pagitan nila. Binuksan nito ang kahon at pumailanlang muli ang ‘Portrait of My Love’. Nagtatakang tiningnan niya ito. Ngumiti lang ito sakanya. Inangat nito ang kinatatayuan nang ballerina at mula roon ay inilabas ang isang kwintas na white-gold. Napasinghap siya. Mahal iyon. Dalawa pa ang pendant niyon. Isang diyamanteng hugis puso at isa pang mas maliit na diyamanteng hugis puso din ngunit ito naman ay nakalagay sa isang singsing.

“Ang ganda..” Tinangka niyang abutin ito ngunit inilayo lang ito sa kanya nang lalaki.

“A-akin iyan hindi ba?” Tanong niya rito.

“Oo.” Sagot naman nito.

“Pwede ko bang suotin ngayon?”

“Ayoko nga.” Tanggi nito.

Hindi niya maintindihan ang pinagsasabi nito. “Anong-”

“Marry me first.” Anito.

Hindi siya makapaniwala sa narinig niya. Before she knew it, tears slowly fell from her eyes. “This..this is serious, right?”

“Yes.” Wika nitong pinupunasan ang mga luha niya. “Huwag ka namang umiyak diyan. It makes me feel like a terrible person to make you cry. I hate seeing you like that.”

“Silly.” Sambit niya. “I’m just very happy that this is finally happening.”

Nakahinga ito nang maluwag. “I thought you didn’t like the idea.”

“Of course i do!” Inangat niya ito nang tingin. Kanina pa kasi siyang nakatitig sa kuwintas.  “What gave you the idea that I didn’t?”

“Well, you haven’t agreed to my proposition.”

“Hmm. How about this for an answer,then?” Tinanggal nito ang singsing mula sa kwintas at isinuot iyon sa kanyang kaliwang palasingsingan. Her heart skipped a beat when his eyes sparkled with happiness as he pulled her closer and kissed her with all the love he could possibly give.

“Happy monthsary, Edward. I love you.”

Iyon lang nasabi niya simply because there were no more words to say. All that they knew was they were in love and happy in eachothers arms. Iyon lang naman talaga ang mahalaga. They could not ask for more.

WAKAS



chapter nine
May 28, 2009, 5:43 am
Filed under: Uncategorized

SARAP NA SARAP sa pagtulog si Jed sa pagkalambot-lambot nang kamang iyon. Ibinaon pa niya sa kayakap na unan ang kanyang mukha. Ang bango-bango naman nito. Amoy lalaki.Mainit pa.Parang si..Edward?!

Sandali.Paanong nangyari na kaamoy ni Edwardang mabangong ‘unan’ na iyon? Wala ba siya sa bahay niya? Ano nga bang nangyari kagabi? Wala sa ugali niyaang maglasing dahil pait-na-pait siya sa alak na daig pa ang bulldozer sa lakas nang tama. Saka masusuka lang siya. Hindi rin naman siya nag-da-drugs. Then, it suddenly came to her. Hindi ba’t si Edward ang nag-uwi sa kanya?

Nagmulat siyan nang mata. Just in time to see a smiling Edward looking down on her. Nagulat naman siya. Bumaling siya sa paligid. The room was familiar, but it wasn’t hers. Oh. she was in his house after all. Tiningnan niya ang kalagayan nilang dalawa. Nakayakap siya rito at ang ‘unan’ pala ay ang malapad na dibib nito. Ang isang braso naman nito ay kampanteng nakapatong sa kanyang balakang sa may bandang pang-upo at ang isang kamay naman nito ay nakatukod sa may ulunan habang tuwang-tuwa itong pinagmamasdan siya. Napansin niyang nakaputin sando ito at itim na pajama. Siya naman ay naka..sandali. Night gown niya ito ah. Paanong-

“Pinapunta ko rito si Ayni. siya ang nagbihis sa iyo.” Wika nitong tila nabasa an iniisip niya. “At kung nag-aalala kang may nangyari sa atin,” Bumagsak ang balikat nito. “Wala. Walang nangyari sa atin.”

Tumawa siya. “Bakit ang lungkot mo diyan?”

“Kasi..hindi kita napaligaya nang..ganoon.”

Ngumiti siya. “You have made me happy, even if ‘that’ did not happen.” Hinaplos niya ang pisngi nito. “Iyong iginalang mo ako at hindi mo kinuha ang di ko naman ibinigay sa iyo nang kusa ay nagpaligaya sa akin. “Nirespeto mo ako. Kaya masaya ako.”

Her heart seemed to leap from her hest when he smiled.Kinintalan siya nito nang halik sa noo. “I am glad I did not make the wrong choice.”

Humilig siya sa dibdib nito. “And I myself couldn’t be anymore happier.”

“Gusto mo pang matulog?” Mayamaya’y tanong nito sa kanya.

Umiling siya. “Tulog na naman? Bumangon na tayo.”

“Ha? Bakit?” Nag-tatakang tanong nito. Sinulyapan nito ang orasan. It said six o’ five.

“Ang aga-aga pa. Tapos Linggo pa ngayon.” Sinubukan siya nitong hilain uli sa kama pero hindi siya nagpahila. Imbes ay siya pa ang humila dito.

“Anong bakit? Bumangon ka diyan at maghanda ka.”

“Bakit nga..”Inaantok na sabi nito.

“Magsisimba tayo.”

NAGKAMAYAN ang mga tao matapos ang Sunday Service. Nakipag-kwentuhan siya sandali sa mga kakilala niya at pagkatapos ay humabol sa mga nag-kukwentuhang sina Ayni,Darssi,Clouii at ang dalawang ate nang barkada nila na sina Barbbi at Angeli.May kasama ang huli na matangkad na lalaking tahimik na nakamasid dito habang abala naman ito sa pakikipag kwentuhan.Kasama naman ni Clouii ang tingin niya’y ang nabuhay na patay na sinasabi nito. Grabe magsagutan ang dalawa. Halos maptulan nang litid sa pag-aaway. Napailing na lamang siya.

“Hay!”

Tawa-tawang lumapit mula sa likuran niya si Edward at kinamayan siya. Tumawa siya at kinamayan rin niya ito.

“I like this church. The people are so friendly and even the preacher is very lively. Hindi siya malumanay at puro kwento. May sense ang sinasabi niya at nakakatawa at times.Kaso, kilala ba niya ako? Sabi niya kasi, masama daw ang maging playboy.”

“Hindi lang ikaw ang playboy dito. Marami iyon. Ganoon lang talaga siya mag-preach. There is always something for everyone.”

“Ganoon ba?” Sambit nito. “Okay. Babalik ako dito. Sandali,san mo pala gustong mag-lunch?”



chapter eight
May 28, 2009, 5:40 am
Filed under: Uncategorized

“DAHAN-DAHAN lang. Mabubulunan ka na niyan eh.” Pigil ni Jed kay Darssi na kasalukyang nilalapa ang cake na ginawa niya para dito.

“Wala akong paki! Nakakaasar na talaga ang kumag na iyon! May pa-dala-dala pa siya nang babae sa office! Tapos doon pa sila maglalampungan! Huuu! Kakatayin ko talaga ang palakang iyon! Mag sama pa sila noong babae niyang manikin!” Himutok nito.

“Aysus. Tulak nang bibig, kabig nang dibdib. Ang sabihin mo, nagseselos ka lang.”

Singit nang bagong dating na si Ayni.

Binalingan nila ito. “You’re late!”

“Of course. And I have a reason.” Iminuwestra nito ang katabi na si Clouii na madalang na nilang makasabay dahil sa trabaho nito. Tagalinis kasi ito ng mga patay sa morge sa ospital na pinagtatrabahuan nila ni Ayni. Nurse din ito pero for this quarter of the year ay doon ito na-assign. Kasalukyan itong pinag-papawisan nang malamig at naghahabol nang hininga.

“Anong nangyari sa iyo?”

Umubo ito at binigyan naman ito ni Ayni nang tubig. “I-iyon kasing isang pasyente ko…  bu-buhay p-pala siya.”

Nabulunan naman ang kasalukuyang kumakain na si Darssi. “Buhay?”

“Oo. Grabe nga eh. Aatakihin ako sa puso.” Pinasa nang huli ang tubig dito. Uminom din naman ang nabulunan at inilapag ang tubig sa mesa.

“Oy ako rin, muntik atakihin sa puso.” Sabi naman ni Darsii habang patuloy na nilalantakan ang cake. “May nakita kasi ako kaninang umaga.” Lumapad ang ngiti nito. “Sa may entrance nang office namin.Napakagandang pangitain, parang eksena sa mga romantic movies!”

“Talaga? Talaga? Ano iyon?” Usisa nang dalawang bagong dating.

“O-oo nga. Ano iyon?” Kunyari ay inosente niyang tanong. She had a feeling Darssi hand seen them. Not that she wanted too keep him from her friends, pero parang nakakahiya naman na para iisang linggo palang silang magkakilala nito ay nagawa na niya ang katangahang ma-inlove dito. Well, maybe that’s the magic of love. Kahit pinaka matigas na bato, ginagawang marrshmallow, pinakamatinong tao nagiging tanga, academicians become fools,darkness becomes light, aywan lang niya kung pati kilikili ay napapaputi nang pag-ibig.

“Pa-kunwari pa iyong isa diyan..” Pasaring nito sakanya. “Shouldn’t you really be the one telling us what happened this morning ha, Jed?”

“Eh..”

“Oy kayo ha.” Singit ni Clouii. “Sandali lang akong nawala, may pa-ganyan-ganyan na kayo ha?”

“Oo nga.”Sang ayon ni Ayni.

“Huuu! Hoy guilty ka rin.” Saway niya rito.

Bahagyang tumigas ang anyo nito. “Hindi na.” May pinalidad na wika nito. Aba, anong nangyari?

“Sige na. Magkwento ka na. Huwag mo nang patagalin at nang mag-ka-kulay naman ang tsismisan natin dito.” Udyok nalang nito.

“Saka ka nalang makinig diyan. Kailangan nating mag-usap.” Entrada nang isang di pamilyar na boses. Lumingon silang lahat at nakita ang isang matangkad, at gwapong-gwapong lalaking naka-suot nang puting doctors robe na nakatayo sa likuran ni Ayni. He resembled an angel. A bad boy angel. She looked at her friend and saw that she was hurt through the tough facade she was trying to put on.

Nilingon nito ang lalaki. “Sino ka para pakialaman ako, hmm? Table ko ito, barkada ko ito, at buhay ko ito. You shouldn’t give a damn.After all, you just said that you didn’t care about me right? I was just a whore for a one-night stand.” Naiiyak na sumbat nito. “And that I’m not good enough for keeps. So you better leave now and get out of this whore’s face! Wika nitong tinutukoy ang sarili.

Lumambot ang anyo nang lalaki. Hinawakan nito ang kamay nang kaibigan niya at bumaling sa kanilang tatlo na kasalukuyan pa ring nakatanga. “Sorry girls. i need to borrow your friend for a while. Mukhang hindi kami nagka-intindihan eh. May tanga kasing hindi alam ang sinasabi kaya ganito ang kaibigan ninyo ngayon.” He said while dodging Ayni’s punches to his chest.

“Bi-bitawan mo ako!” Mariing wika nito ngunit hinila lang ito nang binata palayo. Nagpupumiksi pa ito.A little while later, the guy seemingly got pissed and just swung the girl over his shoulder. Ngayon naman ay ang malapad na likod naman ang pinagdiskitahan ang dalaga.

“Let. Me. Go!!! Ahhhh!”Naghuhumiyaw na wika nito. “Girls! Help! Hindi ko kaano-ano ang unggoy na ito! Ahhh!”

Nagkatinginan lang silang tatlo at nagkibit-balikat.

“Ah..love..” Nangingiting sambit niya nang maalala ang pagpipipiksing ginawa niya kaninang umaga at ang paghalik sa kanya ni Edward.

“Hoy babaeng kamatis, hindi ka pa po takas sa kwento mo sa amin. Dali, ‘fess up right now before we make you.” Banta-bantaan ni Clouii.

“Unfair naman tayo niyan kay Ayni. Saka nalang.” Wika naman ni Darssi. Naubos na nito ang cake na ginawa niya.

Clouii just raised her hands in the air. “Fine, whatever works for you. Anyways, babalikan ko na iyong living dead na pogito ko okay?” Ito lang at sbay-sabay na silang tumayo.

Nilingon nila ito ni Darssi. “Pogito iyon?”

Pilya ang ngiting naglalaro sa mga labi nito. “Tall,long,latte and handsome-ow! Ano ba?” Reklamo nito nang sikuhin ito ni Darssi.

“Mahiya ka nga diyan sa sinasabi mo. Tamaan ka nang kidlat niyan eh.”

NANLALABO na ang paningin ni Jed haang nagtata-type. OT kasi siya nang Sabadong iyon bilang pag-bawi saa pag-under time niya noong Lunes at noong Huwebes nang mag-sate sila ni Edward. Hindi niya napigilang maghikab. Tumutunog na ang likod niya kapag nag-iinat siya. Ang pang-upo niya naman ay pagod na sa kakaupo. Then, suddenly, a warm jacket was draped on her shoulders. She looked up to see that handsome face that could make rain clouds go away and make her feelings of stress and soreness go away.

“Hmm.” Tanging bati niya rito dahil naghikab na naman siya.

“Pagod ka na. Coffee?” Iminuwestra nito sa kanya ang hawak nitong malaking tumbler.

“Hmmhm.” Naghikab uli siya at inabot ang ibinigay nito. she took a sip from the straw and recognized the flavor of the iced coffee she was drinking.

“Chai Latte?”

“Yep. Nga pala, nakiinom na rin ako diyan ha?”

Tumigil siya sa pagsimsim niyon. “Okay lang. Uhaw ka na rin ano?”

“Oo.”Ngumiti ito. “Saka para maghalo rin ang laway natin.”

Binato niya ito nang scratch paper. “Yak. Bakit ka ganyan ha? Ew.”

Tumawa lang ito. “Para kunyari may part-two ang halikan natin kaninang umaga.”

Napipilan siya sa sinabi nito. You still remeber our little kiss, Mister Wagner? If this is just you trying to get me to sleep with you, you’re good.Napangiti siya.

“I assume you liked it?” Tanong nito.

“I didn’t say I hated it.” Ganitng sagot niya.

“So you liked it.”

“i didn’t say I liked it either.” Aniya.

“Only because I didn’t ask.” Pinatay nito ang monitor.Pagkatapos ay binuhat siya nito.

“Ano na naman bang-” He cut her words with a simple kiss on the lips. Natameme siya.Inilapag siya nito muli sa upuan at s-in-ave ang trabaho niya at pagkatapos ay pinatay ang computer. Humarap ito sa kanya at muli siyang binuhat.

“Wag kang aangal ha? Tulog ka nalang diyan. I-uuwi na kita.”

“Hmm.” Napapikit nalang siya habang karga siya nito at nagtuloy-tuloy sa pag-tulog.

Napakasarap sa pakiramdam ang makasama at mabuhat nang isang taong mahalaga sa kanya. She felt safe in his arms. Like he would never-ever let her go.Of course that was just a theory, a notion, or a lie. Whatever it is, though, it’s beautiful to dream of tonight.



chapter seven
May 28, 2009, 5:35 am
Filed under: Uncategorized

“BREAK-UP sex?” Hindi makapaniwalang sabi niya.

“Oo nga. Kanina ka pa ah. Ngayon mo lang ba narinig iyon?” Ganting wika naman ni Edward habang nakatuon ang mata sa daan.

“Oo. I’ve never been involved with men before. Hindi rin ako mahilig sa American movies and shows. Lumaki ako na nanunuod nang mga soap opera at mga Mexicanovela.”

“Bakit?” Baling nito sa kanya. “Marami naman ding love scene ang mga Mexicanovela ah. Kung makapaghalikan nga iyong mga iyon akala mo intensyon nilang higupin ang mukha nang kahalikan nila.”

Hinampas niya ito. “Tinatakpan ko ang mga mata ko pag may love scene. Kahit simpleng halikan lang. Kaya nang makita ko kayo, virgin pa ang mga mata ko noon. Magsorry ka sa kanila.”

“Hah. Sorry sa mga mata mong doe eyes kung ganoon. Huwag naman sana nila akong gawing bato.”

Inismiran nalang niya ito at nanahimik siya. Binalingan siya nitong wari nag-aalala. “Galit ka parin ba sa akin? Sorry na o.” wika nitong tila takot na magalit siya.

“Bakit may ganoon?” Bigla ay tanong niya dito.

“Anong ganoon?”

“Iyong sabi mong..iyon. Basta iyon.”Sabi nalang niya. Beinte-otso na siya ay inosente pa siya sa mga ganoong bagay. Hindi sa ikinahihiya niya iyon pero nahuhuli siya kapag nagpapakawala nang mga green jokes si Ayni. Sa huli tuloy ay kailangan pang ipaliwananag sa kanya ang ibig sabihin niyon.

“Alin? Iyong ‘break-up sex’?” Tanong nito.

“O-oo.” Namumulang sagot niya. Nakakahiya! Bakit ka ba nagtatanong nang ganyan  ha? Hindi porke’t inosente ka ay pwede mo nang itanong ang kahit na ano kahit kanino.

“You don’t have to be so shy about it.” Inabot nito ang pisngi niya at marahang pinisil . Lihim siyang napangiti at muli namang umawit ang puso niya.  “I’m someone you can talk to about those things. Aside from the fact that I know a lot of things from the books, I also know a lot of stuff from experience.”

“E-experience..?”

“Oo nga. now, going back to your question. Kaya may ganoon ay dahil sa gusto iyon nang isa o nang parehong parties na naghiwalay.” Sabi nito.

“Ha? Bakit nila..gugustuhing mag-ganoon kung naghiwalay na sila. Ibig sabihin diba, kapag naghiwalay kayo, may poblema o di kaya ay hindi niyo na mahal ang isa’t isa?”

“True.” Sambit nito. “But mostly, it is done for old time’s sake. Like in my case, I broke up with Kryssanne yesterday. Hindi ako ang may gusto nu’n pero dahil gusto niya ay hindi ako pwedeng tumanggi. Again, for old time’s sake.”

“You looked like you were enjoying it.” Naramdaman niyang nagrerebelde ang puso niya nang may na-realize siya. “Sandali. Ibig sabihin, may girlfriend ka nang nag-de-date tayo?”

Nagkibit-balikat ito. “She was, sort of. We were really on and off. Naalala mo iyong araw na umalis ako nang may tumawag sa akin?” Tumango siya. “Well, that was her. She said that she was flying to the Philippines on the fourteenth to discuss a few things with me.”

“So in a way, niloko mo ako.. Iyong fourteen,noong thursday iyon ah.”

“In a way..Oo. Tinanong niya sa akin kung gusto ko pa raw bang bigyan nang chance ang relasyon namin.”

Inangat niya ang tingin dito. “And you refused?”

“Of course.” Nakangiting sagot nito. “I have a good reason. No, not just good, but sanely reasonable too.”

“Ano naman?” Na-ku-curious na tanong niya rito. She was hoping he would say something to prove her speculations right.

“May isang nakapag-iba nang tingin ko sa mundo. Nang dahil sa isang iyon, nalaman kong hindi iisa ang cookie-cutter na pinang-gawa sa lahat nang babae.” Nag-tersera ito at tumikhim. “Iba iyon sa lahat. Maraming personality pero lahat ay nagustuhan ko. Gustung-gusto ko talaga…”

Ay, bagay pala talaga iyon. Sayang naman. Pero kailangan niya pa rin na malaman dahil kung hindi ay mamamatay siya sa suspense. “Eh ano nga iyon? Ang labo mo naman eh”

Binalingan siya nito. “Ano ka riyan. Bakit, bagay ka ba?”

“A-ako?”

“Yep. You indeed. I thought all women were bad girls who needed a good spanking. Aside from my mother of course.”

“Sobra ka naman makapanlait sa mga kabaro ko.”

“Hindi naman. It is just that I grew up in a place where all women lusted after handsome men like bitches in heat. I had a lot of girlfriends but i never fell in love with them. Most of them are only flings. I came then to this country, and all i saw around me were gold diggers and whores. I lost hope and in my mind a stereotype of all women were formed.”

“Pati ako?..”

“That’s when you came into the picture. Napansin mong gwapo ako pero iba ang reaksiyon mo nung una tayong magkita. Sinagot sagot mo ako at walang kiyemeng ka kung kumilos. Hindi ka nagpa-impress sa halip ay ginawa mo lang ang kung ano ang talagang usual na ginagawa mo. Iyon ang ginawa mo na nakahuli nang attention ko kaya na-interesado ako sa’yo.”

“Anong ibig sabihin mo?”

“Di mo parin gets?” Tanong nito sa kanya. “I broke up with her because there’s nothing I feel for her anymore. I broke up with her because she’s not the one I love.I broke up with her so that I can give us a shot. Gaya nang sabi ko sa iyo kanina, hindi pwedeng mawala ka nalang nang basta. Para wala ka nang maidadahilan pa.” Ihininto nito ang sasakyan. “Andito na tayo.”

Lumingon siya at nakitang nasa harapan na niya ang office building kung saan siya nagtatatrabaho. Binalingan niya ang binata. “Salamat. Sandali, paano mo nalamang dito ako nagtatrabaho?”

Nginitian lang siya nito. “Basta. Lika na, hatid na kita sa loob.” Tinanggal nito ang seat belt niya at sinunod na nito ang sariling seat belt. Lumabas na ito nang kotse at umikot upang buksan ang pintuan niya. Inalalayan pa siya nito palabas at binnitbit nito ang cake para sa kanya.

Nan makarating sila sa loob ay pinagtitinginan sila ng mga tao. Ang iba ay na-recognize si Edward, ang iba naman ay na-ingit lang talaga sa kanya. Pagsakay naman nila nang elevator ay nakasabay nila ang boss ni Darssi na si Bryan. May kasama itong babaeng manikin at pagkakita sa kanila ay ngumiti ito.

“Edward, my friend! Lume-level-up tayo ah!”

Nilingon niya ito at nakita ang pamumula nang mukha nito. Magkakilala sila? Paanong nangyari iyon? Malamang ito ang nagsabi sa binata kung saan siya nagtatrabraho.

“Bryan.” Sambit nito. “Bago na naman? Akala ko ba iyong si Da-”

“Akala mo lang.”Putol nitong tila may itinatago. Siya naman ang binalingan nito.

“Mag-iingat ka diyan ha? Nang-aagaw nang lakas iyan. Dapat pala hindi ko na ibinigay ang address nang pinag-tatrbahuhan natin.” Pumalatak ito at umakbay sa babaeng manikin. “Anyway guys, this is Helga. Helga, this is Edward” iminuwestra nito ang lalaking tumango lang. “And this is the beautiful Jed, my officmate.” Siya naman ang nakangiting iminuwestra nito. Surprisingly, the mannequin came to life and shook hands with her.

Hallo. Nais ta mitcha.” Sabi lang nito at tumahimik. May accent pa ito na lalong nagpahalatang foreigner ang babae. Nilingon ito ni Edward at na-umpisang nakipagtalastasan sa dayalektong sa pandinig niya ay parang orasyon nang mambabarang. Tawa nang tawa ang babaeng manikin na siya namang nagpabalik sa nagrerebeldeng tibok nang puso niya. May pa-sorry sorry ka pa kanina ha! Palikero! Pagababa nila mula sa elevator ay inunahan niya ito sa paglalalakad. Nang mahabol siya nito ay siniko niya ang tagiliran nito. “Hindi ka pa nga abswelto dinadagdagan mo na ang kasalanan mo ha!”

“Kaklase ko iyon doon sa Germany. Hindi ko na-recognize ang features niya pero nang magsalita siya, naalala kong siya nga iyon. Bago pa lang daw siya rito sa Pilipinas kaya tinulungan ko.”

Ah. Mabuti kung ganoon. “Hindi ko naman naiintindihan ang mga pinagsasbi ninyo. Okay lang.” Sabi niya pero binilisan pa niya ang lakad.

Pilit naman siyang inaabutan nang binata. Pinigilan siya nito at c-in-orner.

“Jealous?”

Was she?

“Jealous ka riyan. Ewan ko sa iyo kung bakit mo sinasabi iyan.As if.” Pinilit niyang lampasan ito but to no avail.

“Kanina ka pa ha. Ganyan ka na mula kaninang umaga. May gusto ka saakin ano?”

Napasinghap siya. Was she that physically obvious? “Ang yabang mo! W-wala no! Ano naman ang ibig mong sabihin na may gusto ako sa iyo?”

“Simple lang.” Wika nitong hindi nag-aalis nang tingin sa kanya. “You’re jealous simply because you like me.”

Insensitive!Pagrerebelde nang puso niya.Anong like lang? Hindi mo lang alam, mahal na kita! Tonto ka talaga. Buti kamo at mahal kita…

“I do not!”

“Oh yes you do.”

“No!”

“Yes.”

“No!”

“Yes.”

“No!”

“No.”

“Yes!” Na-realize niya kung ano ang nasabi niya.He tricked her! “Aw shit!”

Ngumiti ito. “Just as I thought. Tulak nang bibig, kabig nang dibdib. Huwag ka nang magselos.” Wika nitong inilapat ang mga kamay sa kanyang mga balikat. “They are not important to me. Only you are.” Dahan dahan nitong inilapit ang mukha sa mukha niya. Sinulyapan nito ang mga labi niya. “If you don’t believe me, I’ll give you some assurance.” Hinalikan nito ang pisngi niya.

“Ang yabang…”

“Hep. Unconvinced ka pa rin. And you’re still jealous.” Pumalatak ito. “Another kiss perhaps?”

“Edward-”

Pinutol nito ang kung ano mang nais niyang sabihin nang siilin siya nito nang halik. His lips tasted like wine. Nakalalasing. And she wanted more of it kahit na sinasabi nang utak niyang siya’y nahihibang na upang payagan itong gibain ang depensa niya. May kasalanan pa ito sa kanya ngunit hindi niya magawang magalit dito. She felt her stomach tighten and she felt light and defenseless. She felt helpless, but she felt good at the same time. Napapikit nalang siya at kusang gumalaw ang kanyang mag kamay upang yapusin ang batok nito.Kissing him was like going to heaven. Wala ka nang balak na bumalik pa sa mundo.

Nakangiti ito nang maghiwalay ang mga labi nila. “Late ka na.” Bulong nito.

Naalala niya at kinuha ang cake mula sa binata. “Oo nga.”

“Type mo ako.”Sabi pa nito.

“Oo nga-ay. Hindi ka pa abswelto.” Nadulas siya pero imbes na mahiya ay natawa nalang siya.

“Okay lang. First kiss mo naman ako.”

Binalingan niya ito at iningusan. “Yabang mo.” Iyon lang at pumasok na siya.

Hay! Ano ba iyon? Sa isang halik lang, napasuko na niya ako! Sayang! Gusto ko pa naman sanang masuyo-suyo nang  lalaki. Tsk! Pero okay lang rin, hindi pa ba pagsuyo iyong kiss? Nakangiting wika niya sa sarili. She knew that there was gonna be a good day ahead.



chapter six
May 28, 2009, 5:33 am
Filed under: Uncategorized

EDWARD WAS in bed with another woman.Nakatalikod ito sa kanya at tila enjoy na enjoy sa gingawa nito. He and the girl were rocking back and forth while kissing, caressing and groping each other. ang higanteng kama pala na lumalangitngit ang gumagawa nang ingay. or rather ang mga taong nakahiga doon. Umuugong ang mga tenga niya. Ang mga nasaksihan niya ay tila bombang bumagsak sa ulo niya. Pakiramdam niya’y namamanhid ang buo niyang katawan at hindi siya makagalaw. Maski ang puso niya ay walang maramdaman. Manhid. talagang manhid na manhid. Patuloy lang niyang pinagmasdan ang eksena. Tutal ay naroon narin naman siya, she might as well enjoy the show right? Ngumiti siya nang mapait at namalayan nalang niyang mainit na ang kanyang mga mata at nagtatatakbo palabas nang bahay ng binata.

Nagkulong siya sa kwarto nang gabing iyon. Hindi man lang niya pinansin ang makulit na pag-do-doorbell nang kung sino sa bahay niya. She cried the whole night away. Masakit sa kanyang mahuli ang lalaking gusto niya na nag-e-enjoy sa piling nang iba ngunit ang pinakamsakit sa lahat ay ang katotohanang wala naman talaga siyang karapatang masaktan. Hindi ito kanya. Pero nang gabing iyon, napatunayan niyang na-angkin na palang talaga nito ang puso niya sa maikli at magulo nilang pagkakakilala.

NANG SUMUNOD na araw ay nagising siya sa malakas na ugong nang videoke at sa nasa tonong boses ni Gayle na kapit bahay niya.Napangiti siya.Hindi kasi katulad ng ama nito nasintunado kung umatungal, este kumanta kaya na-surprise siya, Kumakanta, hindi umaatungal! Siguro nagmana sa nanay. Ngunit nasira ang papuri niya rito nang maintindihan niya ang kinakanta nito.

“Mahal kita..ikaw lang walang iba..nagmamay-ari nang aking puso…tatanggapin..kahit na ikaw ay di totoong akin, lahat-lahat ay ibibigay, huwag lang mawala sa aking buhay…”

“Aaagghhhh!!!” tinakpan niya nang unan ang kanyang mga tainga huwag lang marinig ang susunod na mga linya. Ang sama talaga nang kantang iyon. Parang sadyang ginawa para sa umagang iyon nang araw ding iyon. Nang-aasar. Ipinamumukha sa kanya kung gaano siyang katanga para mahulog sa lalaking akala niya’y… ah, tama na ang parusa niyang iyon sa sarili. You are one strong woman Jed. Sabi mo nga noon, ‘I don’t need a man’. Ngayon mo iyan patunayan. Palakas-loob niya sa sarili.

Wala pa sana siyang balak na pumasok nang trabaho nung araw na iyon pero buti na rin at na-isalba niya ang sarili sa pagkasira. Pilit siyang bumangon at nag-ligpit nang pinag-iyakan-ay sori, pinag-higaan. Matapos iyon ay humarap siya sa salamin. Her hair was messier than usual, tear stains were running down her cheeks, dried saliva traced from her mouth down to her chin. Mukha na siyang aswang. aswang na bigo, sawi, at puro muta ang mata. She tried smiling at her self pero sa huli ay napa-hagulgol lang din siya. iniyak na niya lahat, hanggang walang natirang luha at uminom nang tubig upang mahimasmasan. Matapos niyon ay naligo siya, nagbihis, at nag-ayos. Nang suriin niya ang sarili ay parang mas maganda ata siya ngayon. mas mukhang elegante. at ngayon, walang sablay ang paglalagay niya nang make-up.

Gaya sa mga nobela ni Ayni,she thought. Ang mga babaeng bigo ay                                     pinapakonsweluhan ni Lord ng kagandahan.

Kinuha niya ang bag sa salas at hinagilap ang cake para kay Darssi mula sa fridge. Naalala niya ang malungkot na mukha nang kaibigan nang huli silang magkita noon kahapon. Bumuntong-hininga na lamang siya..mukhang kailangan rin niya nang cake..

“ASAN NA BA IYON?”

Hinahalungkat ni Jed ang bag para sa susi nang bahay. Mayroon kasi siya noong tinatawag na ‘kaburaraan syndrome’ na laganap sa mga working girls sa Manila. Inilapag na niya muna ang cake sa upuan sa labas ng bahay niya at nagpatuloy sa paghahalungkat. pagdako nang kamay niya sa pinaka-ilalim ng bag niya ay nakita na niya ang hinahanap.

“Bingo!”

“Cake uli? Para sa akin na naman ba iyan? Huwag mo naman akong masyadong ligawan.” Untag sa kanya nang pamilyar na baritonong boses ni Edward.

“Ay cat!” Gulat niyang sambit nang sa gulat sa lalaki ay nahulog niya ang bag. Nagsitalsikan ang mga makeup, ballpen,calculator,pati cellphone na matagal niyang pinag-ipunan ay tumalsik din. Agad siyang lumuhod upang pulutin ang mga gamit at sinundan naman siya ni Edward na lumuhod din at tumulong sa kanya. Buti na lang at tingin niya’y wala nang kaso kung nandoon man ang binata. Her heart was too broken to care anyway. Natapos na sila nang mapansin niya ang isa pang ballpen sa di kalayuan. Hindi niya alam na napansin din iyon nang binata at sabay nga nila itong pinulot at ang resulta? Well, imbes na ballpen, kamay nalang ni Jed ang hinawakan ng binata. Natigilan saglit ang dalaga at napatingin dito. He was smiling as he winked at her. His touch was like electricity, or maybe even fire that ran from her hands through the rest of her body. Sa mga sandaling iyon, parang gusto niyang magtatatakbo papasok nang bahay at hindi na muling lumabas. However, her head told her otherwise.

Iyan ang lalaking nanakit sa iyo. Magpapatalo ka na lang ba nang basta? Fight,   girl. Fight.

Agad niyang binawi ang kamay mula sa binata. Inilagay niya ang ballpen sa bag at dinampot ang box ng cake mula sa upuan. “Salamat.” Wika niya dito. Iyon lang at umalis na siya. Agad naman din itong sumunod sa kanya. “Sabay ka na sa akin.” Nakangiting wika nito.

Bumusangot siya. How dare you! Matapos mong dakmain ang puso ko at ihulog mula sa tuktok ng Mt. Everest, aayain mo akong sumakay sa kotse mo?! I hate you! I hate you! I hate-

Natagpuan nalang niya ang sarili na kinakaladkad ng binata. Binuksan nito ang pinto ng passenger’s seat at iniupo siya sa loob. Umikot din ito at binuksan ang pinto ng driver’s seat saka sumakay. He reached over to strap the seat belt on her. Hinalikan pa siya nito sa pisngi. Nanlaki ang mata niya.Hinampas niya ito nang malakas sa dibdib.

“Ang kapal nang apog mo!San mo ko dadalhin,ikaw pontio pilato ka ha?” Buti kako at nakahuma siya. Ang akala niya ay magpi-freeze na naman siya sa pinag-ga-gawa nito sakanya.

Hinayaan lang siya nito at nagtuloy sa pag-se-seat belt nang sarili. “Sa work mo,malamang. Unless..” Tinitigan siya nito “Gusto mong sumama nalang sa akin buong araw?” Dahil sa sinabi nito ay nadagdagan ang panggatong sa kumukulo niyang dugo.Pero hindi niya gustong gumawa nang gulo. Kaya, tinanggal niya ang seatbelt at bumaba nang sasakyan. “Salamat nalang.” Wika niya rito. “Mag-ko-commute nalang ako..”

“Wait.” Agarang tinanggal nang binata ang seatbelt nito at dali-daling lumabas nang kotse nito. Nakita niya ang ginawa nito at nagtatatakbo siyang palayo. Malapit na siya sa likuan papunta sa labas nang subdibisyon nila nang maramdaman niyang hinaklit nito ang braso niya.

“Sandali. Tingin ko alam ko kung bakit tayo ganito ngayon.” Wika nito. Naasar siyang nagpupumiglas but his hold was firm and his eyes were pleading.. “Makinig ka muna sa akin. Bigyan mo muna ako nang chance na magpaliwanang bago ka tulyang magalit sa akin.”

As she felt his grip on her arm while he said it like the way an actor in a movie would say it,pakiramdam niya ay dahan-dahang binabayo ang puso niya at inilagay sa giligan na parang palay na bagong ani. Sobrang nasasaktan siya pero hindi niya ipinahalata ito. “Wala ka nang kailangang ipaliwanag dahil nakita ko na ang kung anong kailangan kong makita para maipaintindi sa akin ang kung anumang gusto mong sabihin sa akin ngayon.” Muli ay sinubukan niyang pumiksi ngunit hindi pa rin sumusuko ang binata.

“Sa tingin mo sasabihin ko sa iyo na hindi tayo seryoso at pinaglalaruan lang kita? Na hindi ka naman talaga ganoon kaimportante sa akin kaya sorry sa iyo kung sa tingin mo ay niloko kita pero hindi ko naman sinasadya dahil nang lumapit ako sa iyo ay nagpadarang ka naman?” Sa sinabi nito ay nawala ang pag-titimpi niya at sinampal niya ito. Halatang nasaktan ito ay patuloy pa rin ito sa pagsasalita. “Para sabihin ko sa iyo, hindi pa ako naghabol sa babae. Kapag ayaw e di huwag. Sa iyo ko lang ginawa dahil mahalaga ka at ayaw kong mawala ka lang nang basta.”

Bahagya naman siyang na-guilty sa pagsampal dito sa narinig niyang sinabi nito. Pero sa kabila noon ay malaki parin ang kasalanan nto sa kanya. She considered though, dahil nakabawi na siya nang beinte-singko porsiyento sa opensa nito sa kanya.

“Please..” Pagmamakaawa nito sa kanya.

“Fine. Pero bilisan mo at male-late na ako.”

He smiled. A smile that belonged to a man that she could never really hate. Sure enough she could get mad and furious with the things he does that hurt her, but she couldn’t  get mad at him himsellf. “Male-late ka na? Kaya nga sumabay ka na lang sa akin. We’ll talk on the way.” Mula sa braso ay inilipat nito ang kamay sa kamay niya. Agad niyang binawi ang nasabing kamay.

“Hindi ka pa abswelto.” Mariing sabi niya rito.

Ngumiti lang uli ito at hinawakang muli ang kamay niya. “Whatever. Halika na.” Kahit hindi pa niya aminin, sa kabila nang inis at tampo ay umaawit ang puso niyang sawi.




Follow

Get every new post delivered to your Inbox.